A deeper side of me.

4:11pm kahapon, nag-pm si ex sa Skype.

Siya: psst. jan ka? xD

Ako: yes? why

Siya: wala lng. xD

Siya: busy ka ba? :)

Ako: hindi naman

At diyan na nagsimula ang lahat. Parang bumalik sakin ang lahat. Yung mga pinagsamahan namin at kung anu-ano pa. Idagdag mo pa yung paghahalungkat ko sa mga lumang pictures at videos namin. Instant flashback. Para akong hinigop sa timewarp at bumalik sa mga oras na yon.

5:04pm, ako’y nagpaalam muna dahil ako’y may lakad. Pagkaalis ko, hindi matanggal ang mga ngiti ko sa pisngi. Napansin din ng isa kong kaibigan.

9:54pm, nagusap kami ulit sa Skype pagkauwi ko ng bahay.

Nagkamustahan, nagkwentuhan, nagkulitan, at hanggang sa dumating kami sa point na parang kami na ulit. Parang bago ang lahat, bagong simula. Hindi ko napigilan ang bugso ng damdamin. Nagkaaminan pareho. Hindi pa niya daw ako nakakalimutan. Inamin ko din sakaniyang hindi ko pa siya nakakalimutan, mahal ko pa siya. Oo, sa mga oras na yon ay nalaman ko kung ano ang sinisigaw ng puso ko. Siya, kami.

3:41am, saka kami nagpasiyang matulog na. Habang kami’y nagpapaalam sa isa’t-isa, hindi namin napigilang sambitin ang mga salitang “Iloveyou”. Wala, biglaan nalang.

Pero sa ngayon ay hinahayaan na muna namin ang takbo ng mundo. May mga bagay pang dapat ayusin. Sa parte ko, madami pa akong kailangang gawin.

Mag-10 buwan na ang nakalipas bago kami maghiwalay. Andoon parin yung amor namin sa isa’t-isa. Ewan. Ganun lang talaga siguro.

Pero ano naman yung 10 buwan na yan sa 2 years at 3 months naming pagsasama? Kahit na nasa Canada pa siya at andito ako, malakas parin yung feelings.

Mahal ko e.

(Source: thereshegoesinmyhead)

Nasasaktan parin ako. The fact na wala na tayo. Wala na akong panghahawakan pa para bumalik ka ulit, bumalik tayo sa dati.

Nung una ako ang nangiwan, ako din ang naghabol. Sumunod, ikaw ang nangiwan, pero ako padin ang naghabol. At pagkatpos nun ay nasundan pa, hinabol mo ako at nagbakasakali ka, pero anong nangyari? Wala. Oo nga’t kung umasta tayo e parang ayos na ang lahat, yung tipong tayo na ulit. Pero hindi pa pala. Akala ko maibabalik na sa dati ang lahat, pero hindi parin pala. Gulung-gulo pa ako sa mga panahong iyon. Hanggang ngayon pa naman din.

Sa mga oras na yon ay hindi ko mawari kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Ang labo. Ang daming nakapaligid, hindi ko na alam kung sino ba sainyo ang totoo. Nakakalito, sobra.

Nung nagpasiya kang tigilan na ako dahil wala na tayong pinatutunguhan, agad na bumungad sakin ang bago mong “pag-ibig”. At hindi naglaon ay napalitan din siya at etong kasalukuyan na kasama mo ngayon ay masasabi ko na nakalimutan mo na nga talaga ako. Hindi ba’t ikaw narin ang nagsabi? Nabasa ko lang.

Ngayon, alam ko na ang gusto ko. Gusto kong ibalik ang lahat. Mula sa umpisa, para maayos ang lahat at walang nasaktan. Pero huli na ako. Hindi na pwede. Asa naman. 

Maluha-luha ako nung malaman kong may pumalit na sakin. Yung tipong hindi mo na ako maikumpara di tulad sa iba. Wala na, natabunan na ako. May kani-kaniya na tayong kasama. Hanggang dito nalang nga siguro.

Isang alaala nalang.

(Source: thereshegoesinmyhead)

Tapos nanaman ang isang araw, ngunit hindi ko parin alam kung ano na ang kinalalagyan ko, at kinalalagyan natin.

Ang daming gumugulo sa aking isipan, pati ang puso ko nalilito na. Ang labo lang talaga. Daig ko pa ang may salamin na 250 ang grado.

Nasaan na nga ba talaga yung hinahanap kong pakiramdam? Yung ligaya at sarap na mararamdaman mo kapag andiyan siya. Wala na ba? Gusto ko maramdaman ang lahat ng iyon.

Nakakamiss.

(Source: thereshegoesinmyhead)

Gusto ko makaramdam ng tunay na pagmamahal. Yung tipong physically present at emotionally present. Hindi yung laging may kulang sa dalawa. Kasi, lagi nalang ganun sa sitwasiyon ko e. Kung hindi LDR, e lagi namang busy. Kung andiyan naman nga, parang hindi naman kami. So saan naman ako lulugar niyan?

Hindi naman sigurong masama magdemand? Kasi hindi ko na naramdaman ulit yung pagpapahalaga sakin, parang ako nalang ata lagi yung natatakot na may mawala saakin, e paano naman ako? Hindi ba sila natatakot na baka mawala ako? Hindi ba nila naisip yun?

Kahit once lang, sana may makaramdam ng takot na mawala ako.

E di ako na ang demanding.

(Source: thereshegoesinmyhead)

Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano na ang pinagkaiba ng pagmamahal sa pangangailangan. Yung pakiramdam mismo, yung masasabi mong nagmamahal ka nga talaga. Hindi yung parang dahil andiyan siya e mahal mo na siya, kahit hindi naman pala.

Gusto ko ulit maramdaman yung totoong pakiramdam.

Manhid na ata ako e.

(Source: thereshegoesinmyhead)

Minsan hindi ko na alam kung ano ba talaga yung nararamdaman ko. Gusto ko ganito pero biglang ayaw ko na.

Hindi ko lubos na maisip kung bakit ganun. Gustuhin ko man, para bang may pumipigil saakin.

Nakakainis.

(Source: thereshegoesinmyhead)

Hindi ko alam. Mediyo naguguluhan pa ako. Bakit nga ba kasi pumasok ako sa isang sitwasyion na hindi pa naman pala ako sigurado. Ang tanga ko lang. Masiyado lang ata akong nadala sa emosiyon ko at sa mga taong nakapaligid sakin.

Aba, hindi ko na alam. Ano na ba talaga ang gusto ko. Malabo kasi akong tao. Pati ako, hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.

Heto ako ngayon, naguguluhan.

(Source: thereshegoesinmyhead)

themed by coryjohnny for tumblr